Saturday, February 19, 2011

Lyceum of the Philippines University
Batangas
2010-2011




Filipino2
Pagsusuring Pampelikula



Ni:
Marvin M. Barcelona



Para kay:
Bb. Marianne V. Remo

Pebrero 2011


I. Tungkol sa Pelikula
            A. Pamagat ng Pelikula
                         "Estudyante"
                                  Kaya estudyante ang pamagat ng pelikula, ito ay tungkol sa mga nakapag aral na gusto pang mag aral para madagdagan ang kanilang kaalam at mga batang hindi kayang pag aralin ng kanilang mga magulang.

            B. Direktor:
                           Joven Tan

            C. Prodyuser:
                            Ryan R. Enriquez, Maylyn V. Enriquez

            D. Pangunahin tauhan:
                            Ranier Castillo "Roman"- isang tambay noon at ngayon ay nagpupursige sa pagtulong sa kanyang kapatid.
                            Mike Tan "Leo"- mabuting kaibigan ni roman
                            Ryza Cenon "Ate Rizza"- kapatid ni Roman
                            Dexter Doria "Mama Jusie"- nanay ni leo, ayaw kay Roman
                            Biboy Ramirez "James"- isang titser o guro
                            Johan Santos- tulag ni James na isang guro
                            Princess Manson- asawa ni James
                            Basty Alcanses "Elmo"- batang gustong mag aral kahit walang pera, tinutoruan ni James
                            Athena Sebastian "Letty"- anak ni James, may galit sa kanyang ama dahil hindi siya tinuturuan.
                            Matet de Leon- nanay ni Leny
                            Perla Bautista- lola ni Leny
                            Mon Confiado- tatay ni Monmom
                            Kristel Fulgar "Leny"- gustong makapag aral para hindi matulad sa kanyang ina
                            CArl John Barrameda "Monmom"-nagpapaturo ka leny na magsulat at magbasa

             E. Tema ng Pelikula
                            Ang tema ng pelikula ay tungkol sa pagpapahalaga sa Edukasyon. Kahit ano ang kanilang katayuan sa buhay ay pursigido silang mag aral. 

            F. Buod ng Pelikula
                            Sa unang kwento ng pelikula pinamagatang "tosino", may isang lalaki na si Ramon na hindi nakapag aral dahil sa pagkawala ng kanilang magulang. Dahil doon siya ay naging tambay. May kaibigan na si Leo. lLAgi silang magkasama pag may libreng oras si leo. Lagi din ipinagtatanggol ni leo si Roamn sa kanyang ina dahil sa pagiging tambay nito. Ang kinabubuhay  lamang nila ay ang pag gawa ng ate niya ng tosino. Hindi na tulong si Ramon sa kanyang ate sa pag gawa nito. Sinabi ni leo na kung wala siyang gagawin ay tambay lamang ang kahahantungan niya. Naisip na niys na tumulong na lang sa kanyang ate. Kinahiya ni Ramon ang pagtitinda niya ng tosino kaya nagalit si Leo sa kanya. Sa bandang huli ay ipinagmalaki niya ito nag iba na rin ang tingin sa kanya ng ibang tao.
                              Sa ikalawang kwento pinamagatang "titser", may isang guro na may asawa at anak. Siya isang guro sa isang mababang paaralan. Kahit siya ay guro ay nag-aaral pa din para madagdagan ang kanyang kaalaman. Dumating ang oras na wala na siyang oras na turuan ang kanyang anak at oras para sa kanyang asawa. May estudyante siya ang pangalan ay Elmo. Mahirap lamang siya at gusto niyang magapag aral. kahit hindi siya kayang pag aralin ng kanyang magulang ay gumagawa siya ng paraan para makapag aral muli. Isang araw na natanggal ang kanyang asawa sa trabaho at pinagtitinda si James sa kanyang estudyante. Hinanap niya si Elmo atr nakita niya itong naglalaba ng mga damit ng kanyang kapit-bahay paraan mag karoon ng pera. Napagtanto niya na nagkukulang na siya ng panahon para sa kanyang pamilya. Kaya simula noon ay binabalanse na niya ang kanyang oras para sa pamilya at sa eskwlahan,
                             Sa ikatlong kwento pinamagatan "Basura", may dalawang bata na namumulot ng basura na sina Leny at Mon-mon. Leny ang gustong magkapag-aral.Nanglilimot siya ng mga libro para basahin ito. Ayaw na pag aralin siya ng kanyang ina at lola sapagkat lalaki ang ulo ni Leny. Si Leny ay nasali sa aral aralan sa kanila. at si Mon-mon na gustong mag paturo kay leny na makapagbasa at mag sulat. Pero ayaw ng kanyang ama. Dahil sa pag kakamatay ng kanyang ina ay lagi siyang pinapalo dahil sa hindi pagsunod sa kanyang ama. Sa bandang huli ay naisip nang kanyang ama na mali ang kanyang ginagawa. Kaya naging mabait siya sa kanyang anak.

II. Mga Aspektong Teknikal
            A. Musika
                         Ang tunog o musika na ginamit sa pelikula ay bagay na bagay. Lalo nitong binibigyan kahulugan ang mga kwento. Bagay din ito sa paska o tema ng pelikula.

            B. Sinematograpiya
                          Ang sinematograpiya ng pelikula ay maganda. Tama llang ang liwanag at dilim. Madali mo malalaman ang mga nangyayari.

            C. Pgkasunodsunod ng mga Pangyayari
                          Ang pagkakasunod ng mga pangyayari ay maayos. Hindi ito nakakalito. Madali itong intindihin.

            D. Pagganap ng mga artista
                          Maganda ang pag ganap g mga artista. Parang natural ng ang mga karakter ng mga ito. At ang pag ganap nila may makakatotohan at emosyon na ipinakita nila sa pelikula kaya lalo itong gumanda.

            E. Tagpuan 
                             Ang tagpuan ng bawat kwento ay maganda kaya nakakatulong ito sa kabuuan ng palikula.At angkop sa tema ng pelikula. Halimbawa lamang sa eskwelahan na natural na nakikita natin mga ginagawa ng mga estudyante.

III. Kahalagahan Pangtao
           A. Paglalapat ng Realismo
                                 Para sa akin ay makatotohanan ang pelikula dahil hindi natin maiitanggi na ganito din ang nangyayari sa atin lipunan. May mga kabataan na gustong gustong makapag aral pero sa kawalan ng pera ay hindi sila nakakapag aral. At sa mga guro naman ay minsan ay na wawalan ng oras sa pamilya dahil a pag gagawang mga lesson plan para sa klase.

           B. Mga aral
                             Habang may oras tayong makapag aral o pag kakataon ay wag nating sayangin iyon, Sa lahat ng pag hihirap naating nararanasan o mararanasan pa ay huwag tayong susuko  dahil darating din ang oras ng makakaahon tayo sa kahirapan ng buhay.

           C.Kabuuang Pananaw
                             Para sa akin ay kakaiba ang pelikulang ito dahil sa tatlong kwento na nagpapakita ng nga pagpapahalaga sa pag aaral. Dapat itong mapanood ng mga estudyante para maparating sa kanila kung gaano kaimportante ang pag aaral para sa kinabukasan.

4 comments: