Tuesday, February 15, 2011

Lyceum of the Philippines University
Batangas
2010-2011




Filipino2
Isang Pagsusuring Pampelikula




Ni:
Marvin M. Barcelona




Para kay:
Bb. Marianne V. Remo

Pebrero 2010



I.   Tungkol sa Pelikula
 A. Pamagat ng Pelikula:
                                     "Astig"
                      Astig ang pamagat sapagkat sa pagkasunod sunod ng mga pangyayari sa pelikula.

B. Direktor:
                   Guiseppe Bede Sampedro

C.  Prodyuser:
                     Boy Abunda
                     Boy So

D. Pangunahingin tauhan:
                                     Dennis Trillo bilang "Ariel"- gumagawa ng pekeng diploma at thesis. Kakaiba ang diskarte sa buhay. Ginagamit o nagpapagamit siya sa mga babae para magkaroon ng pera.
                                     Edgar Allan Guzman bilang "Boy" - isang mabuting ama at anak. Gagawin ang lahat para sa pamilya kahit matapakan angv kanyang dangal.
                                     Arnold Reyes bilang "Ronald Chua" - isang mestizong instik. Gustong makuha ang dapat sa kanya.
                                     Sid Lusero bilang "Baste" - isang mabuting anak at kapatid. Pinipilit niyang maging responsableng kapatid kahit nahihirapan na siya sa pag - aral dahil sa pag kakasabay ng trabaho at pag - aral.

E. Tema ng Pelikula:
                               Ang teme ng Pelikula ay ang pakikipagsapalaran ng mga tauhan sa kanilang buhay. Ang kwetong ito may maari natin makita sa ating lipunan ngayon.

F. Buod ng Pelikula
                               Lugar sa maynila kung saan magulo at hindi kanais-nais ang paligid doon. May apat kwento na nagaganap ng parehas na oras.
                               Ang unang kwento ay tungkol kay Ariel. Ngtatrabaho siya sa Recto. Nagbebenta siya ng pekeng diploma at mga thesis na kenakailagan ng mga estudyante. Ginagamit niya o binibigay niya ang kanyang katawan para sa pera. Madami siyang pangalang ginagamit tulad ng Ariel, Cris, bruce at iba pa.Kapag gusto nang babae na maulit uli ang nangyari sa kanila ay tinataguan na ni Ariel sila. Kapag tumatawag ang mga babae sa kanya ay hindi niya ito sinasagot. Minsan ay pinapatayan niya ito ng cellphone. Nagkakilala ni Ariel si Elgine sa isang computershop. Doon nagsimula ang paulit ulit nilang pagkikita. Si Ariel ay interasado kay Elgine ganoon din naman si Elgine kay Ariel. Binigyan ni Elgine ng pera si Ariel sapagkat nawawala daw ang tatlong cellphone nito. Ang perang iyong ay ang tuition pa ni Elgine. Nang may nangyari sa kanilang dalawa ay hindi na rinsinasagot ang tawag at text ni Elgine at iniiwan din niya ito. Dumating ang araw ay nagkita sila ni Elgine nagtitigan silang dalawa at hawak-hawak ni Elgine ang kwintas na may pendant na krus. Nang habang naglalakad si Ariel ay sinugod siya ng kapatid ni Elgineat dinala sila sa presinto na nadoon din ang mga babaeng naloko niya.
                               Ang sumunod na kwento ay kay Boy. Siya ay masipag at mabait na anak at asawa.Masipag siyang magtrabaho para sa kanyang asawa na malapit nang manganak. Dumating ang araw na nahuli ang kanyang ina sa pagnanakaw. Kung kaya't ginamit ni Boy ang kanyang naipon para makalaya ang kanyang ina. Nang manganak na ang kanyang asawa sa hospital ay wala silang pera na pambayad sa hospital para mailabas ang kanyang mag-ina. Humingi siya ng tulong sa DSWD kaya kahit papaano ay nabawasan ito kaya P1000.00 nalang ang kanyang babayaran sa hospital pero wala silang pera. Kaya nagbakasakali siya na mangutang ng pera sa kalilala pero siya ay nabigo. May tumulong sa kanya at nagbigay ng P400.00 na tulong na daw na lang iyon. Pero kulang pa rin iyon. Kaya napilitan siya na pumunta sa sinehan na may mga lalaking nagpapabayad sa mga bakla. Noong ay inaalok na siya pero tumatanggi sa kanya dahil nakokonsensya siya dahil sa asawa niya. Pero ngayon na walang wala na siya ay napilitan siya na magpabayad sa bakla. Nang mailalabas na din niya ang kanyang mag-ina at napaluha siya. Nagawa lamang niya iyon dahil sa pangangailangan at para na din sa kanila.
                                Ang ikatlong kwento ay tungkol kay Ronald Chua anak ng isang mayamang instik na pumanaw na. Tanging lumang bahay lamang ang pamana sa kanilang mag-ina ng kanyang ama. Sa kagustuhan niya na makuha ang dapat sa kanya ay pumunta siya sa Maynila para pagbili ang bahay. Nakita niya ang kangyang kapatid sa ama pero hindi siya tanggap nito. Ang nakabili ng lumang bahay ay isang bakla. Para mapadali niya ang pagkuha ng pera ay ibinigay niya ang katawan niya. Nang papauwi na siya ay niyaya siya ng isang babae sa kasamaang palad ay may kasabwat ito kung saan kinuha lahat ng pera niya. Nawala siya sa tamang pag-iisip at natroma sa nangyari. Umalis siya ng hotel na nakasuot lamang ng brief pinagtitinginan siya ng mga taong dinadaanan niya. Dinala siya sa presinto at pinapanawagan ang pamilya nito.
                                Ang huli ay kay Baste isang responsableng anak at kapatid. Hindi siya makapasa-pasa dahil pinagsasabay niya ang kanyang pag-aaral at pag tatrabaho. Nang nalaman niyang may nangyari kay Elgine at Ariel ay sinugod niya si Ariel. Lumipas ang mga araw nahihirapan na si Elgine sa kanyang kalagayan. Nalaman niya na may sakit siya. Sinabi ni Baste na si Elgine muna ang bahala sa kuryente. Pero hindi niya ito nabayaran at naputolan sila. Ang binili ni Elgine ay gamot at uminum siya ng madami kaya namatay ito. Kinagabihan ay napansin na hindi pa lumalabas ng kuwarto si Elgine. Sinira ni Baste ang pinto at nakita niya patay na si Elgine.

II. Mga Aspektong Teknikal

A. Musika
                Ang musika ay nababagay sa pelikula sapagkat ito ay tugma satagpuan ng kwento. Kakaiba din ang tunog ng pelikula. At ang mga ingay na lalong pang nagpapabagay sa kwento parang sa tunay na buhay

B. Sinematograpiya
                 Ang Sinematograpiya ng pelikulaay hindi kaayaya sa ibang parte ng pelikula sapagkat ito ay madilim.Hindi masyadong nakikita ang mga nangyayari.

C. Pagkakasunod ng mga Pangyayari
                Ang pagkakasunod ng mga pangyayari ay magulo dahil may mga pangyayari na bilga na lamang nalabas. Pero sa bandang papahuli ay ay mas naiintindihan ko sapagkat dito na ipinakita ang pagkaka-ugnay ng mga pangyayari.

D.Pagganap ng mga Artista
                 Ang pagganap ng mga Artista ay maayos naman. At maihahalintulad ito sa tunay na pangyayari.

E. Tagpuan
                Ang tagpuan ng pelikula ay tugma sa tema o paska ng pelikula. Nakatulong ito sa kabuuan ng palabas sapagkat doon natin karaniwang nakikita iyon.

III.Kahalagahang Pantao
 A. Paglalapat ng Teoryang Realismo
             Ang Pelikulang ito ay makatotohanan sapagkat ang mga nangyari sa pelikula ay nagaganap nito ngayon sa ating lipunan. May mga kabataan na hindi nakakapag aral dahil sa katayuang ng kanilang buhay at ito ay na hantong na lang sa pagiging tambay sa kayle. Ang nagiging trabaho ng mga kabataan ngayon na hindi nakakapag aral ay ang pagbebenta ng kanilang katawan para may ipangkain sila at matustusan ang kanilang pangangailangan sa araw-araw.

B. Mga aral
                Para sa akin ay huwag tayong mawalang ng pag-asa sa buhay. Hanggat may pag-asa tayong humanap ng paraan ay huwag agad tayong kumapit sa patalim. Ngayon ang mga tao ay kumakapit na sa patalim na hindi naman nila alam kung ano ang ibubunga nito. Dapat tayo ay maging matiyaga at masipag para may kinabukasan tayo na haharapin.
  
C. Kabuuang Pananaw
                Naiiba ang  pelikulang ito sa mga pelikulang napanood ko na sa paraan ng mga pagsasalita dahil malayang pagbibigay ng salita tulad ng masasmang salita at kahit ano pa man na salita na hindi kaayaya sa pandinig. Sa tingin ko ay hindi angkop itong klaseng pelikula sa atin lalo na sa mga bata sapagkat makakarinig sila ng masasamang salita at masydo itong malaswang panoorin sa mga bata. Ang maganda dito ay makikita natin kung ano ang mga nangyayari sa ating lipunan.  

No comments:

Post a Comment

Post a Comment